Linggo ng Wika 2006

pisarang elektroniko para sa lahat ng tungkol sa Linggo ng Wika 2006 ng Mataas na Paaralang Ateneo de Manila

8/10/2006

Pagwawasto sa ORAS ng Kritikim at Harana

KRITIKIM
dati 12-1nh
dapat 1-2nh

HARANA
dati 2nh
ngayon 230nh para sa una, ikalawa, at ikatlong taon
at 245nh para sa ikaapat na taon

Nakasulat sa pisara ng L ng W sa Edsa ang iba pang impormasyon.

Bibliograpiya ng Tagis-Talino

Tagis-Talino
Bibliyograpiya

(Salamat kay Ser JM Pilares)

Capinding, Ronan B. IKAW at ang KAWIli-wiling WIKA. Art Angel
Printshop.2005

http://www.mts.net/~pmorrow/baybay1.htm

http://www.mts.net/~pmorrow/lci.htm

http://globalnation.inq7.net/mailbag/mailbag/view_article.php?article_id=10491

http://www.tourism.gov.ph/discover/trivia.asp

http://homepage.mac.com/paulmorrow/filipino.htm

http://www.geocities.com/philippinemusic/rizal.html

http://www.mts.net/~pmorrow/siyokoy.htm

http://www.languagelinks.org/onlinepapers/fil_contr.html

http://thelance.letran.edu/aug2005/f1_aug2005.htm

http://www.mts.net/~pmorrow/filpro.htm

http://www.hagonoy.com/lbcorpus/halbc010.html

UP Disiyonaryong Filipino. ANVIL Publishing, inc., 2001.

8/04/2006

Ilang Pagwawasto at Paglilinaw--Kritikim, Harana, Fans

1. Sa Kritikim, 1-2nh ang paghuhusga, hindi 12-1nh. Salamat sa pumuna.

2. Sa Harana, ang intensyon ay:
Unang Taon --Dekada 90
Ikalawang Taon--Dekada 80
Ikatlong Taon--Dekada 70
Ikaapat na Taon--Kundiman at Harana talaga

Sinisikap na walang magkapareho ng kanta sa isang antas
kaya may mga klaseng hindi naaprubahan ang kantang ipinasa kanina.
Ipapaskil dito ang mga awit na nakuha na.

May mga tumitingin sa elektronikong himpilan (website) ng EMC.
Ang naroon ay ang lumang listahan. Gamitin kung makatutulong.
Ngunit ang mas lehitimong listahan ay ang direktoryo ng MP3 sa kompyuter ng ITC.

3. Sa Fans, ang intensyon ay: bawat isa may hawak na pamaypay-bandera.
Maraming nagtatanong kung ano ang puwesto sa binubungang basketbulan.
Hindi pa tiyak sa ngayon. Ipapaskila namin dito sa lalong madaling panahon.

7/31/2006

Kalendaryo ng L ng W

Agosto 4, Biyernes
huling araw ng pagpasa ng Tanaga ng klase
huling araw ng pagpasa ng mga balak kantahin sa Harana
huling araw ng pagpasa ng disenyo para sa Iba ang Pinoy

Agosto 9, Miyerkules
simula ng Linggo ng Wika
4-5nh Pistambayan

Agosto 11, Biyernes
1210-100nh Kritikim
200-400nh Harana

Agosto 14, Lunes
4-5nh ITC Tagis-Talino

Agosto 16, Miyerkules
PINOYTUNTUNAN
Fans Ako ng Filipino
Iba ang Pinoy
pagkilala sa mga nagwagi

7/27/2006

Iba ang Pinoy

IBA ANG PINOY

Layunin:
Ÿ Maipagdiwang ang kaugalian ng Filipino na pansinin at bigyan ng pangalan ang mga may kakaibang talento o hugis ng katawan.

Patakaran:

§ Pipili ng isang kakaibang tauhan ang klase. Halimbawa, taong ahas, taong gagamba, o sinumang tauhang puwedeng pamperya.
§ May kaklase silang pagaganapin nito. Bibihisan at lalagyan nila ito ng kolorete. Maaaring piliin ang talagang may kakaibang pisikal na katangian.
§ Bigyan ng kakaibang pangalang tatalab sa Filipino ang tauhan.

Saan at Kailan: Sa Pinoytuntunan

Pamantayan:
Ÿ Pagka-Filipino ng bihis, kolorete, at pangalan 50
Ÿ Pangkalahatang Dating 50

Gantimpala:
ü bandera para sa una, ikalawa, at ikatlo sa bawat taon

Fans Ako ng Filipino

FANS AKO NG FILIPINO

Layunin:
Ÿ Maipagdiwang ang Filipinong paraan ng pagdidisenyo at pagpupuri sa hinahangaan.

Patakaran:

Sa Pinoytuntunan, magdadala ang bawat estudyante ng pamaypay-bandera.
Gumawa ng Filipinong disenyo sa kalahating short folder.
Hindi maaaring lumagpas sa laki nito ang disenyo.
Bawal din ang 3-D. Ngunit puwedeng may bahagyang kapal.
Kailangang kapansin-pansin mula sa malayo ang disenyo.


Saan at Kailan:
Sa Pinoytuntunan

Pamantayan:
Ÿ Pagka-Filipino 50
Ÿ Kapansin-pansin mula sa malayo 50

Gantimpala:
ü bandera para sa una, ikalawa, at ikatlo sa bawat taon

Tagis-Talino

TAGIS-TALINO

Layunin:
Ÿ Itaguyod ang higit na pagkilala sa wikang Filipino.

Patakaran:
Ÿ Pag-aralan ang mga tanong at/o bibliyograpiyang ibibigay.
Ÿ Magkakagrupo uli ang magkakaseksyon sa apat na taon
Ÿ Asahang mahihirap ang mga tanong tulad ng:
Ÿ Ano ang kaibahan ng mga pantig na Ingles at pantig na Filipino?
Ÿ Sino ang nagsulat ng Tagalische Verskunst?
Ÿ Ano ang "cell" sa Filipino?
Ÿ Sinong tauhan ni Rizal ang nagsabing "Sa wikang Filipino lamang mahahanap ang mga salitang maglalarawan sa damdaming Filipino"?

Saan at Kailan:
ITC1
Lunes, 14 Agosto, 4-5nh

Pamantayan:
ayon sa mga hurado

Gantimpala:
ü bandera para sa una, ikalawa, at ikatlong seksyon (isa para sa bawat taon)

Harana

HARANA

Layunin:
Panatilihing buhay ang tradisyon ng paawit na pagbigkas ng mga tula ng pag-ibig.

Patakaran:
Ÿ 3-5 estudyante dapat ang magtatanghal. Kailangang lumikha ng musika ang bawat magtatanghal.
Ÿ Mga instrumentong di-nangangailangan ng kuryente o ng set-up lamang ang maaaring gamitin. Bawal ang keyboard, electric guitar, o drums. Maaari ang kahon, gitara, biyolin. Dapat kayang gawin sa kalye sa harap ng bahay ang pagtatanghal.
Ÿ Isang awit lang ang maaaring kantahin. Kailangang bahagi ito ng tradisyon ng Filipinong awit ng pag-ibig.
Ÿ May mga mp3 sa kompyuter ng ITC na maaaring pakinggan at pagpilian. Maaaring kopyahin ang awit lamang na balak pag-aralan. Hinihikayat ang mga klaseng pumili mula sa listahang ito ngunit maaari ring magmungkahi ng mga awit na wala sa listahan.
Ÿ Magbibigay ang klase sa guro nila sa Filipino ng sukat 4 na may tatlong awit na balak nilang awitin kasama ang pangalan ng umawit nito. Ibibigay ito ng guro sa Filipino sa komite ng Linggo ng Wika para aprubahan bago mag-04 Agosto, tumpak na 130nh.
Ÿ Bahala na ang grupong kapain ang awit o maghanap ng piyesa. Hindi nila maaaring baguhin ang titik o tono ng awit. Areglo lamang ng instrumento o boses ang maaaring baguhin.
Ÿ Kailangang purong Filipino ang titik ng awit na pipiliin. Kailangan ding magbigay ang grupo ng masuyong pambungad sa kanilang awit na hindi lalagpas ng isang minuto.
Ÿ Hindi na kasali sa paligsahan ang anumang lahok na hindi sumusunod sa alinmang panuto.

Unang Taon--Dekada 90
Ikalawang Taon--Dekada 80
Ikatlong Taon--Dekada 70
Ikaapat na Taon--Kundiman at Harana talaga

Saan at Kailan:

Unang Taon-IR1
Ikalawang Taon-IR2
Ikatlong Taon-Bulwagang Hayes
Ikaapat na Taon-Binubungang Basketbulan

Biyernes, 11 Agosto, tumpak na 230-4nh

Pamantayan:
Ÿ pagbigkas ng titik 40
Ÿ musikalidad 30
Ÿ nakakainlab 30

Gantimpala:
ü bandera para sa una, ikalawa, at ikatlo sa bawat taon

Kritikim

KRITIKIM

Layunin:
Ÿ Maipagdiwang ang tradisyon ng paghahain.

Patakaran:
Ÿ Pipili ang klase ng isang putaheng Filipino lamang.
Ÿ Maaaring magkapares na pagkain. Halimbawa, dinuguan at puto, o mangga't suman, atbp.
Ÿ Kailangang maghanda ang klase ng isang hapag para sa 3 hurado kung saan ihahain ang putahe. Pagkakahain sa plato ang mamarkahan.
Ÿ Maaari itong sa loob ng klase o sa pasilyo sa harap ng klase.
Ÿ Maaari nilang disenyuhan ang hapag at ang mismong pagkain.
Ÿ Magsaliksik ukol sa ihahain.
Ÿ Kailangang magpaliwanag nang pabigkas ang naghahanda ukol sa kanyang inihain. Mamarkahan din ito.
Ÿ Hindi na kasali sa paligsahan ang anumang lahok na hindi sumusunod sa alinmang panuto.

Pamantayan:
Ÿ sarap ng handa 40
Ÿ ganda ng pagkakahain 30
Ÿ laman at linaw ng paliwanag 30

Saan at Kailan:
Kani-kaniyang silid-aralan
Biyernes, 11 Agosto, tumpak na 100-200nh

Gantimpala:
bandera para sa una, ikalawa, at ikatlo sa bawat taon

Pistambayan

PISTAMBAYAN

Layunin:
 Lumikha ng kaligiran ng piyesta .
 Maipagdiwang ang Filipinong paraan ng pagdidisenyo.

Patakaran:
 Bawal gumamit ng pako, pandikit, tape, o thumbtacks. Pushpins lang ang puwede dahil hindi ito nakasasakit kahit maapakan ni nakasisira nang labis ng pintura o kahoy.
 Kailangang mga kagamitang niresaykel ang pandisenyo o anumang kagamitang mura at madaling makuha. Dapat hindi na pagkagastusan nang malaki ang disenyo.
 Ngunit dapat hindi rin magmukhang basura ang disenyo.
 Kailangang makatatagal nang isang linggo ang disenyo. Hindi maaari ang disenyong nabubulok agad o madaling matanggal o kailangang tanggalin pagkatapos ng paghuhusga.
 Maaari nang ihanda ang mga ididikit o ipapaskil ngunit sabay-sabay gaganapin ang mismong pagdidisenyo.
 Kailangan ding hindi makaaabala sa anumang gawaing pampaaralan ang disenyo. Kailangang nadaraanan at nalilinis pa rin ang mga pasilyo at pintuan, at dumadaloy ang hangin sa silid-aralan, kailangang nauupuan pa rin ang bangko, atbp.
 Kailangang hindi lumilikha ng panganib ang disenyo.
 Ang pasilyo sa harap ng klase ang didisenyuhan.
 Hindi na kasali sa paligsahan ang anumang lahok na hindi sumusunod sa alinmang panuto.
 MOTIF: mga larong Filipino, at mga terminolohiyang kasama rito

Saan at Kailan:
Sa mga pasilyo ng bawat silid-aralan
Miyerkules, 09 Agosto, tumpak na 4-5 n.h.

Pamantayan:
 ganda ng disenyo 40
 pagka-Filipino ng disenyo 30
 pagkamalikhain sa pagtitipid 30

Gantimpala:
 bandera para sa una, ikalawa, at ikatlo sa bawat taon

Timpalak Tanaga

TANAGA

Layunin:
1. Ipagpatuloy ang tradisyon ng tanaga.
2. Itaguyod ang paksa para sa taong ito.

Patakaran:
> Kailangang may 4 na linya, 7 pantig/linya ang tula.
> AAAA na tugmang Tagalog ang susundan.
> Kailangang Filipinong talinghaga ang naghahatid ng mensahe ng tula.
> Huwag lagyan ng pamagat ni paliwanag ang tula.
> Kailangang isinulat ng isang estudyante o grupo ng mga estudyante mula sa klase ang tula. Maaari lamang mamuna ang guro, hindi magmungkahi.
> Pipili ang bawat klase ng iboboto nilang tanaga ng taon mula sa mga nakakuha ng unang gantimpala sa bawat taon. Gagawin ito sa isang sesyon nila sa Filipino.
> TEMA: Mahalaga/kailangan/di-maaaring-wala ang wikang Filipino. Kawawa/malas/patay ka kung hindi dahil sa wikang Filipino.
> Hindi na kasali sa paligsahan ang anumang lahok na hindi sumusunod sa alinmang panuto.

Pamantayan:
> pinag-isipan ang tugma 20
> Filipino, angkop, at malakas ang talinghaga 20
> astig ang ritmo, walang nasayang na pantig 20
> malinaw na naipalalabas ang temang iminungkahi 20
> masarap sauluhin, bigkasin, at pag-isipan 20

Saan at Kailan:
Gagawin at pakikinisin sa silid-aralan
Ipapasa sa Biyernes, 04 Agosto, bago mag-131nh

Gantimpala:
bandera para sa una, ikalawa, at ikatlo sa bawat taon

Gaano kasinungaling ang blog na ito?

Lahat ng patakaran
at balitang ipinapaskil dito
ay ituring mong nakataga sa bato.

Kung iba ang sinasabi
ng kaibigan mo
ng guro mo
ng kunsensya mo,
huwag mo silang pakikinggan!
Ang boses ng blog na ito
ang nagsasabi ng katotohanan.

Pati mga pagbabago o dagdag,
(kung magkakaroon)
dito ilalagay
(at sa paskilan ng Linggo ng Wika sa EDSA).

Kaya kung ako ikaw,
ilalagay ko na 'to sa mga Paborito ko.

Kailangan nga ba ang Wikang Filipino?

Para sa taong ito, ang tema ng linggo ng wika ay--
KAILANGAN ang WIKANG FILIPINO.

Lagi na kasi tayong madrama ukol sa paksang ito.
Gasgas na si Rizal at ang malansa niyang isda.
Alam na rin nating Filipino ang wika ng ating puso't damdamin.

Pero kailangan ba ito?
Kawawa ka ba kung hindi ka marunong mag-Filipino?
Ang suwerte mo bang marunong ka ng Pinoy?

Sagutin mo sana ang blog na ito.
Dahil walang kuwenta ang sagot
kung hindi galing sa iyo.

O, ano pa'ng hinihintay mo? Sagot na!